Biyernes, Hunyo 30, 2017

Paraan kung Paano Ka Makakatulong sa Pagpapahalaga sa ating Wikang FIlipino

Wikang Filipino, ito ay ang ating pamabansang wika ng Pilipinas. Ang paggamit ng wikang ito ay nakaktulong sa mga pilipino upang magkaintindihan ang mga tao at para mapag isa tayong mga pilipino. Sa paglaganap ng mga iba't ibang wika nakaklimutan na natin ang ating wika, hindi na natin ito binibigyan ng importansya at parang wala nalang ito sa kahalagahan sa ating buhay. Ito anf mga paraan kung paano ka mkakatulong sa pagpapahalaga ng wikang filipino.


1.) Pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wikang FIlipino.
- Ang Pagpapalagananap ng kaalaman tungkol sa wikang Filipino ay makaktulong sa maraming paraan. Kailangan natin itong ipalaganap upang maraming tao ang makakaalam at para maraming magpapahalaga ng wikang Filipino sa ating bansa.

2.) Pagamit ng wikang Filipino sa paaralan at sa komunidad.
- Sa pag-gamit ng wikang Filipino sa paaralan at komunidad napapalagan natin at pinapakita natin ang kahalagahan ng wikang Filipino sa ating buhay.

3.) Paggamit ng "social media".
- Sa paggamit natin ng social media sa pagpapahalaga ng wikang Filipino naiipakita natin sa mga tao na kahit gumagamit tayo ng  social media binibigyan padin natin ng halaga ang pagamit ng wikang Filipino sa pag "post" ng mga bagay na binibigyan natin ng halaga ang wikang Filipino.

4.) Makilahok sa mga aktibidades na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang Filipino.
- Sa paglahok sa mga aktibidades na may kinalaman sa pagpapahalag ng wika ay isa ring paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa wikang Filipino. Sa paraang ito napapakita natin na may malasakit tayo sa ating wika.

5.) Paglikha o pagsulat ng mga tula, kuwento na may kapupulutan ng aral, at mga artikulo na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang Filipino.
- Sa paraag ito pinapakita talaga natin na pinapahalagahan natin ang wikang Filipino. Sa panahon ngayon malaking pagpapahalaga na sa wika natin kapag may ginawa kang maganda kuwento na ginagamit ang wikang Filipino sa pagsusulat o sa pagawa ng kuwento.


Ito na ang limang paraan kung paano ka makaktulong sa pagpapahalaga sa ating wika, at wag kalimutan na ipagmalaki, pahalagahan at gamitin natin ang wikang Filipino sa ating buhay.